dzme1530.ph

PBBM, pinangunahan ang situation briefing at pamamahagi ng gov’t assistance sa Bulacan

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang situation briefing sa Bulacan sa harap ng matinding epekto ng bagyong Egay, Falcon, at habagat.

Kasama ng Pangulo sa situation briefing sa Malolos City ang mga lokal na opisyal at pinuno ng mga kaukulang disaster response agencies.

Bukod dito, pinangunahan din ni Marcos ang distribusyon ng cash assistance sa pamahalaang panlalawigan at sa mga apektadong LGU kabilang ang Malolos, San Miguel, Hagonoy, Pulilan, San Rafael, San Ildefonso, Bustos, Paombong, Calumpit, at Bulakan.

Ipinamigay din ang food packs, P10,000 cash assistance mula sa AICS program ng DSWD, pondo para sa TUPAD program ng DOLE, mga binhi mula sa DA, at claim stubs para sa pangkabuhayan sa pagbangon at ginhawa program at cheke sa small business corporation beneficiaries ng DTI.

Matatandaang idineklara ang state of calamity sa Bulacan kung saan mahigit 170,000 na pamilya ang naapektuhan ng matinding pag-ulan at pagbaha. –sa ulat in Harley Valbuena, DZME News

About The Author