dzme1530.ph

2 kadete ng PMA, hinatulang guilty sa pagkakasangkot sa namatay na kapwa kadete noong 2019

Hinatulang guilty at makukulong ng hanggang 30 araw ang dating dalawang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) matapos mapatunayan na sangkot ito sa pagkamatay ng kapwa kadete noong 2019 sa Baguio City.

Sa desisyon ng Mababang Korte sa nasabing lungsod, napatunayan na guilty sa kasong slight physical injury sina Julius Carlo Tadena at Christian Zacarias.

Inabswelto naman ng korte ang tatlong doktor sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Ang dalawang kadete ang umano’y nagdala sa ospital sa biktima na si ex-PMA Cadet Darwin Dormitorio matapos itong makaranas ng pambubugbog na naging dahilan ng kanyang kamatayan. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author