Aminado ang National Economic and Development Authority (NEDA) na posibleng makaapekto sa inflation rate ang magkakasunod na bagyo at matinding tagtuyot o El Niño na tumama sa bansa.
Ito ay sa harap ng naitalang 4.7% inflation rate para sa buwan ng Hulyo, na pinaka-mababa sa nagdaang anim na buwan.
Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, kumikilos na ang gobyerno upang maagapan ang posibleng epekto ng weather disturbances sa inflation at ekonomiya sa nalalabing bahagi ng taon.
Kabilang sa mga ginawang hakbang ay ang pagde-deploy ng resources sa mga apektadong lugar, at paglalatag ng polisiya at on-the-ground response.
Akbito ring minomonitor ang supply and demand situation ng mga pangunahing bilihin upang makamit ang target na 2-4% inflation rate sa pagtatapos ng taon.
Iginiit ng NEDA na hindi sila maaaring maging kampante dahil bukod sa mga kalamidad ay ikino-konsidera rin ang problema sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at food trade restrictions sa ibang bansa. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News