dzme1530.ph

CEO ng Careless Management at manager ni Liza Soberano, inaresto!

Pinosasan ng mga alagad ng batas ang CEO ng Careless Management at manager ng aktres na si Liza Soberano na si Jeffrey Oh noong Biyernes, July 28.

Inaresto si Jeffrey matapos mapag-alamang hindi rehistrado ang kanyang kumpanyang Careless Management sa Pilipinas.

Sa kwento ni Manay Cristy Fermin, pinuntahan ng pulis ang opisina ni Jeffrey sa Poblacion, Makati dahil sa patung-patong na reklamo laban dito.

Dagdag pa ni Manay, nanganganib pang ma-deport ang CEO dahil wala umano itong maipakitang dokumento na nagpapatunay na maaari isyang mag-operate ng business sa bansa.

Isa umanong set-up ang ginawang paghuli kay Jeffrey at kasalukuyang naka-detain sa Bureau of Immigration.

Kasama rin aniya ang tatay ni James Reid na si Malcolm Reid sa naghain ng reklamo laban kay Jeffrey dahil hindi umano nakakarating ang perang pangako kay James bilang business partner nito.

Samantala, tikom pa rin ang Careless Management hinggil sa naturang isyu. –sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author