dzme1530.ph

Apayao PDRRMO, nilinaw na crash site pa lang ng nawawalang Cessna plane ang kumpirmado

Tanging lokasyon pa lamang ng nawawalang Cessna plane ang kumpirmado, ayon sa Apayao Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ito’y makaraang iulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na dalawang sakay ng bumagsak na eroplano ang kumpirmadong patay.

Sa social media post, nilinaw ng Apayao PDRRMO na crash site pa lamang ang kumpirmado, habang subject for verification ang lahat ng impormasyon sa nawawalang Cessna 152 na nagtake off sa Laoag International Airport noong Martes.

Nag-dispatch na umano ng search and rescue team para hanapin ang eksaktong lokasyon ng pinagbagsakan ng eroplano, subalit hindi itinuloy ang aerial search dahil sa masamang panahon. —sa panulat ni Lea Soriano 

About The Author