dzme1530.ph

Senate special panel para sa pagtalakay sa maritime measures, binuo na

Bumuo na ang Senado ng special panel on PH maritime zones.

Napagkasunduan ng mga senador na italaga si Senator Francis Tolentino na pangunahan ang special Senate committee na tututok sa mga panukalang may kinalaman sa maritime at admiralty zones ng bansa.

Napagkasunduan din na magiging miyembro ng Senate Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones sina Senators Sherwin Gatchalian, Ronald ‘Bato’ dela Rosa, Robin Padilla, Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, Juan Edgardo ‘Sonny’ Angara, at Risa Hontiveros.

Una nang inirekomenda ni Tolentino ang pagbuo ng Senate Panel matapos maiakyat sa Senado ang panukalang Philippine Maritime Zones Act sa ilalim ng House Bill No. 7819.

Una nang ipinaliwanag ni Tolentino na dahil inaasahang maraming maritime legislations ang tatalakayin ngayong 19th Congress, mas makabubuting magkaroon ng special committee para rito. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author