dzme1530.ph

BuCor, magpapatulong sa UP forensics para sa paghuhukay sa ikalawang septic tank sa Bilibid

Makikipag-ugnayan ang Bureau of Corrections (BuCor) sa forensic experts mula sa University of the Philippines para sa paghuhukay ng ikalawang septic tank sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na ang koordinasyon sa UP forensics ay alinsunod sa atas ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla noong nakaraang Biyernes.

Aniya, mahigpit ang bilin ng kalihim na ang UP forensics ang hahawak sa paghuhukay ng pangalawang pozo negro sa NBP.

Noong nakaraang linggo ay mayroong natagpuang pugot na bangkay sa loob ng isang septic tank sa Bilibid, na pinaniniwalaang isang inmate na nawawala simula noong July 15. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author