dzme1530.ph

Halaga ng pinsala ng Bagyong Egay sa agrikultura, pumalo na sa P53.1-M

Umabot na sa P53.1-M ang halaga ng pinsalang idinulot sa agrikultura ng Bagyong Egay sa CAR, CALABARZON, MIMAROPA at Region 13.

Ito ay batay sa datos na inilabas ng Department of Agriculture (DA), kahapon.

Ayon sa DA, nasa 2,303 magsasaka ang naapektuhan habang aabot sa 1,871 metric tons ng produksyon ang nasira at nasa 3,185 hectares ng agricultural area ang naapektuhan.

Kabilang sa mga napinsala ng Bagyong Egay ang mga palayan, maisan, livestock at poultry.

Samantala, patuloy na nagsasagawa ng damage assessment ang DA, pakikipag-ugnayan sa mga local government unit at sa iba pang ahensya ng gobyerno para malaman ang mga naapektuhan ng typhoon Egay. —sa ulat ni Neil Miranda, DZME News

About The Author