dzme1530.ph

Bangkay ng nawawalang PDL, natagpuan na sa loob ng septic tank ng maximum compound sa NBP 

Natagpuan na ang bangkay ng isang PDL na nawawala sa loob ng septic tank ng BuCor sa dorm 8 quadrant B ng Maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Base sa impormasyon July 15 pa nawawala ang PDL na kinilalang si Michael Angelo Cataroja, 25 anyos at nakita siya kahapon sa loob ng septic tank sa pamamagitan ng K9 dog ng Philippine Coast Guard.

Nabatid na si Cataroja ay nakakulong sa Bilibid dahil sa kasong anti fencing at carnapping.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pamunuan ng BuCor kaugnay sa nangyaring insidente. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author