dzme1530.ph

PBBM, nagpaabot ng pagbati para sa kauna-unahang panalo ng Pilipinas sa FIFA Women’s World Cup

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa makasaysayang pagka-panalo ng Pilipinas sa laban kontra New Zealand sa FIFA Women’s World Cup.

Sa twitter post, binigyang-pugay ng Pangulo ang Philippine Women’s Football team dahil sa pagbibigay sa bansa ng kauna-unahan nitong panalo sa kasaysayan ng FIFA Women’s Cup.

Kasabay nito’y sinabi rin ng Pangulo ang mga katagang “Mabuhay ang Filipinas”.

Matatandaang sa laban kahapon, pinataob ng Pilipinas ang tournament co-host na New Zealand sa sarili nitong homecourt sa score na 1-0, bunga ng 1st-half goal ni Filipinas midfielder Sarina Bolden.

Una nang hinimok ni Marcos ang Women’s Football Team na basagin ang mga balakid at magbigay inspirasyon sa mga henerasyon. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author