dzme1530.ph

DOH, nakapagtala ng mahigit 1k kaso ng COVID-19

Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na may 1,671 na bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Batay sa National COVID-19 Case Bulletin na inilabas ng DOH, ang nasabing bilang ay mula Hulyo 17 hanggang Hulyo 23.

Alinsunod sa nasabing bilang, ang average na kaso bawat araw ay 239, mas mababa ng 14% kung ikukumpara sa mga kaso noong Hulyo 10 hanggang 16.

Sa mga bagong kaso, 35 ang malubha at kritikal na karamdaman, mayroon namang naitalang 32 na pumanaw, at 3 sa pumanaw ay noong Hulyo 10 hanggang 23.

Sa kabuuan ayon sa DOH, ay may 315 na malubha at kritikal na pasyente na naka-confine sa mga ospital sa buong bansa dahil sa COVID-19.

About The Author