dzme1530.ph

BuCor Chief General Catapang, nagbabala sa mga kawani na nagpupuslit ng kontrabando sa NBP

Mahigpit na binalaan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang, Jr. ang mga kawani nito matapos mahuli ang isa pang tauhan habang sinusubukang ipuslit ang walong pakete ng sigarilyo sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City. 

Ayon Kay Catapang nahuli si CO1 Jerome San Gabriel na nakatalaga sa supply ng ospital ng NBP.  

Nahuli ito ng BuCor Security na nakatalaga sa inner gate control ng NBP nang suriin ang mga gamit ni San Gabriel kung saan nakuha ang mga kontrabando na nakatago sa isang rice plastic bag. 

itinurn-over si san Gabriel sa commander ng guard sa maximum unit para sa karagdagang imbestigasyon at disposisyon. 

Nauna rito, nahuli rin ang dalawang tauhan ng BuCor habang nagtatangkang magpasok ng ilang kontrabando na inilagay sa loob ng kanilang underwear at pouch bag para sa mga pampaganda. 

Iginiit ni Catapang na maaari pang baguhin ang kanilang masamang ugali at samahan anya siya sa panawagan na repormahin ang Bucor. 

Ang BuCor ani Catapang ay walang humpay sa pagsisikap nitong alisin sa kawanihan ang mga tiwali at hindi kanais-nais na mga empleyado. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News 

About The Author