dzme1530.ph

Charlie Dizon, umamin na sa tunay na estado ng relasyon nila ni Carlo Aquino

Nadulas ang aktres na si Charlie Dizon at bigla na lamang inamin na boyfriend niya si Carlo Aquino.

Sa guest appearance ni Charlie para sa promotion ng bago niyang serye na Pira-Pirasong Paraiso, ipinakita ang larawan ni Carlo Aquino at tinanong ng press kung nobyo niya ba ito.

Proud na sumagot ang aktres ng, “Opo, boyfriend ko po siya.”

Matapos umamin, bigla na lamang napatigil si Charlie at sinabing, “Ay! First time ko sinabi yan.”

Kwento ni Charlie, mabilis silang nag-click ni Carlo dahil makwento siyang tao habang ang nobyo naman ay tahimik dahilan kaya nabalanse ang kanilang relasyon.

Nabatid na unang umugong ang espeyal na namamagitan sa dalawa noong December 2022 matapos mag-post si Charlie ng sweet photo nila ni Carlo kasama ang ilang celebrities. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author