dzme1530.ph

Pinoy boxer Marlon Tapales, target maging Unified Champion

Malinaw ang intensyon ng Pilipinong boksingero na si Marlon Tapales na maging kauna-unahang Unified Champion.

Sa katunayan, sinabi ng manlalaro na i-aanunsyo niya ang mensahe sa pagdalo sa laban nina Stephen Fulton kontra Naoya Inoue para sa WBC/WBO Super Bantamweight Title na gaganapin sa Hulyo a-25, sa Ariake Arena, Tokyo.

Ayon pa kay Tapales, sino man sa dalawang boksingero ang magwagi ay handa siyang makipaglaban.

Si Tapales na may record na 37 wins, 3 lose, 19 knockouts ay may hawak na titulong WBA at IBF nang pabagsakin nito si Murodjon Akhmadaliev noong Abril a-8.

Inaprubahan naman ng WBA ang call-out ng Pinoy na makaharap ang mananalo sa sagupaan nina Fulton at Naoya upang mabigyan ng tyansa na maging first undisputes Filipino champion. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author