dzme1530.ph

ICC, tinawag na bully at walang kredibilidad

Walang kredibilidad para kay Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang International Criminal Court (ICC) na tinawag niyang bully.

Ang reaksyon ni Revilla ay bilang pagsuporta sa posisyon ng ilang kapwa niya senador na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas.

Iginiit ni Revilla na hindi dapat pumayag ang gobyerno sa gagawing hakbang ng ICC dahil malinaw itong panghihimasok sa ating bansa.

Binigyang-diin ng senador na kung mayroon mang pananagutan, sa batas ng Pilipinas dapat managot at hindi sa mga dayuhan.

Ipinagtataka pa ng mambabatas ang patuloy na pagsusulong ng ICC sa walang basehang pag-uusig na ito gayung maraming lehitimong kaso ng crimes against humanity ang nangyayari sa ibang parte ng mundo sa kasalukuyan.

Halata aniyang iba ang interes ng ICC dito at hindi hustisya.

Para kay Revilla, nawala na ang kredibilidad ng ICC dahil sa pinapamalas nitong partiality na politically-motivated.

Suportado rin ng senador ang posisyon ni Senate President Juan Miguel Zubiri na poprotektahan ng senado ang mga miyembro nito at hindi isusuko ang integridad at independence lalo na sa mga dayuhan. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author