dzme1530.ph

Dipolog airport, mananatiling operational sa kabila ng isinasagawang runway repair

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na mananatiling operational ang Dipolog airport sa kabila ng pagsasara ng ilang bahagi ng runway nito.

Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, epektibo ang Notice to Airmen simula 11:45 ng gabi, July 19 hanggang Oktubre 19.

Nagsagawa ng inspeksyon ang mga Safety Inspectors ng PAL at sinasabing magagamit pa rin ang runway ng paliparan dahil hindi naman makakaapekto ang ginagawang bahagi sa paglapag at pag-take off ng mga eroplano.

Inabisuhan naman ng CAAP ang mga pasaherong apektado ng mga cancelled flight na makipag-ugnayan sa kanilang mga airline para sa karagdagang impormasyon. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author