dzme1530.ph

Reporma sa e-visa system para sa mga turista, tinalakay ng DOT, TWG

Nagsagawa ng pagpupulong ang Department of Tourism (DOT) at iba pang mga ahensya ng pamahalaan na kalahok sa Technical Working Group hinggil sa pag-reporma sa pagbibigay ng visa para sa mga turista.

Isa sa mga natalakay ay ang update sa visa reform initiatives sa mga Chinese nationals partikular sa pagtanggal ng quota sa visa application; update sa pagbuo ng e-visa system sa pagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Information and Communications Technology (DICT).

Kabilang na rin ang pagpapabuti ng accreditation ng mga Chinese travel agents, at ang planong karagdagang flights sa pagitan ng Pilipinas at China.

Tinalakay rin ng TWG ang pagbuo ng panuntunan para sa group visa at e-visa para sa mga Indian nationals pati na rin ang digitalization Initiatives na makakahikayat sa paglago ng tourism products ng bansa.

Tiniyak naman ng DFA at DICT ang patuloy nitong kolaborasyon upang masiguro na magiging matagumpay ang pag-rollout ng e-visa system ngayong taon. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author