dzme1530.ph

Sen. dela Rosa, ‘di kinakabahan sa ilalabas na desisyon ng ICC

Hindi kinakabahan si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa anumang desisyon na ilalabas ng International Criminal Court (ICC) hinggil sa apela ng pamahalaan na huwag ituloy ang imbestigasyon sa extrajudicial killings sa war on drugs ng Duterte administraton.

Ayon kay dela Rosa, ipinauubaya na niya sa ICC ang gusto nilang gawin at wala siyang pakialam dito.

Nagkausap anya sila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at maging ito ay hindi nababahala sa ilalabas na desisyon ng ICC.

Tama lang anya ang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi susundin at hindi ipatutupad ng ating pamahalaan sakaling mag isyu ng warrant of arrest ang ICC sa mga ipinagharap ng kaso na crime against humanity dahil hindi na tayo miyembro nito.

Iginiit ni dela Rosa anuman ang ipalabas na desisyon ngayon ng ICC hinggil sa apela ng ating pamahalaan sa imbestigasyon sa inihaing kaso laban sa kanila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi kailangang sundin o ipatupad ng ating pamahalaan. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author