dzme1530.ph

Pagsasabatas ng MIF, welcome sa DBM

Welcome sa Department of Budget and Management (DBM) ang ganap na pagsasabatas ng Maharlika Investment Fund.

Ito’y ayon kay DBM Sec. Amenah Pangandaman matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas ngayong araw.

Para kay Pangandaman, makatutulong ito upang mabigyan pa ng mas malawak na pagkakataon ang pamahalaan na maihatid ang serbisyo nito.

Tiniyak naman ng kalihim ang masigasig na pagtulong ng ahensya sa pagbalangkas ng Implementing Rules and Regulations ng MIF. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author