dzme1530.ph

Ilang dayuhang bangko at kumpanya, nagpahayag na ng interes kaugnay sa MIF

Kinumpirma ni House Speaker Martin Romualdez na nagpahayag na ng interes para mag-invest sa Maharlika Investment Corporation ang ilang dayuhang bangko at kumpanya.

Matapos ang signing ceremony ng Republic Act 11954 o “An Act Stablishing the Maharlika Investment Fund” sa Kalayaan Hall, binangit ni Romualdez ang Japan Bank for International Cooperation (JBIC), iba’t ibang US companies at Temasek of Singapore bilang mga investors.

Dahil dito umaasa ang presidential cousin at principal author ng bagong batas na malaking papel ang gagampanan ng bubuuing Maharlika Investment Corporation (MIC) sa pag-attract ng equity financing.

Para kay Romualdez ang MIC/MIF ang investment for the future na kailangan nang simulan ngayon.

Sinabi pa nito na ang investments na ito ay nangangahulugan ng maraming development projects sa iba’t ibang panig ng bansa, magdadala ng maraming trabaho at kabuhayan, at better future sa mga Pilipino. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author