dzme1530.ph

7 transport group hindi makikiisa sa nakatakdang tigil pasada sa July 24-26

Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi makikiisa sa tigil-pasada na nakakasa sa July 24 hanggang 26 ang 7 binubuo ng mga transport group operators.

Ito ang naging pahayag ng grupo sa kanilang naging pagpupulong kasama si MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, at General Manager Usec. Procopio Lipana.

Nagpasalamat naman si Artes at Usec. Lipana sa commitment na ito ng transport groups.

Sinabi ni Artes, na regular ang konsultasyong ginagawa ng MMDA sa hanay ng mga transport groups anuman ang polisiyang ipatutupad dahil sila ang katuwang ng ahensiya sa kaayusan ng kalsada na ipinag-papasalamat din ng transport group.

Hindi naman binanggit ni Artes kung anong transport group kinabibilangan ang nagpahayag ng pagtutol sa tigil pasada na nakatakda sa July 24 hanggang July 26. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author