dzme1530.ph

Pag-amyenda sa Bank Secrecy Law, ipaprayoridad din ng Kongreso

Kinumpirma ni Senate President Juan Miguel Zubiri na ipaprayoridad din nila ang pagsusulong ng pag-amyenda sa Bank Secrecy Law.

Ipinaliwanag ni Zubiri na bagamat hindi naisama sa LEDAC priority bills ang panukala ay isinusulong naman ito ng economic team.

Sinabi ng senador na nababansagan ang Pilipinas bilang money laundering hub dahil sa umiiral na bank secrecy sa bansa.

Nagiging target din anya tayo ng Anti Money Laundering Council ng iba’t ibang bansa dahil nakalulusot sa Pilipinas ang money laundering.

Kinumpirma ni Zubiri na nakiusap ang economic team na pag-aralan na at ipasa ang panukala at nangako naman anya ang dalawang kapulungan ng Kongreso na talakayin ito. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author