dzme1530.ph

Bagong slogan ng administrasyon, patunay nang maayos na direksyon ng pamumuno

Pagpapatunay ng direksyon sa pamumuno ang bagong governance slogan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na “Bagong Pilipinas”.

Ito ang binigyang-diin nina Senador Chiz Escudero at Senador Joel Villanueva.

Sinabi ni Escudero na makakahikayat sa mga opisyal at kawani ng gobyerno ang slogan na huwag maging pabigat sa kanila ang mga naging frustrations, kapalpakan at kabiguan ng mga dating namuno para mas mahusay nilang magampanan ang kanilang tungkulin.

Ikinakatawan din anya ng naturang slogan ang isang principled, accountable at dependable government o pamahalaang may prinsipyo, pananagutan at maaasahan

Sinabi naman ni Villanueva na nakikiisa at suportado nila ang hangarin ng pangulo na matiyak na pangunahing maisusulong ang kapakanan at interes ng publiko sa pamamagitan ng mahusay na pamamahala

Sinabi pa ng senador na ang slogan sa pamamahala ng administrasyong Marcos ay malakas na paaalala sa lahat ng opisyal at kawani ng gobyerno na “public office is a public trust”. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author