dzme1530.ph

Bakbakang Nonito Donaire Jr. at Alexandro Santiago, ipinagpaliban; ginawang undercard sa Spence vs. Crawford sa July 29

Ipinagpaliban ang world title showdown sa pagitan nina dating four-division champion Nonito Donaire Jr. at Alexandro Santiago at ginawang undercard sa Errol Spence Jr. vs. Terence Crawford sa July 29 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Orihinal na naka-schedule ang bakbakang Donaire-Santiago para sa bakanteng WBC world bantamweight title ngayong weekend sa co-main event na Frank Martin vs. Artem Harutyunyan, subalit inilipat ito sa pay-per-view event, ayon sa Boxing Scene.

Si Donaire ay may record na 42-7 with 28 knockouts habang si Santiago ay mayroong 27-3-5 with 14 knockouts. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author