dzme1530.ph

Chinese Ambassador Huang Xilian, nag-courtesy call kay Defense Sec. Gibo Teodoro

Nag-courtesy call si Chinese Ambassador Huang Xilian kay Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. para talakayin ang defense at military relations ng Pilipinas at China, pati na ang pagpapanatili ng kapayapaan at stability sa South China Sea.

Ito’y matapos i-report ng Philippine Coast Guard ang panibagong pangha-harass ng Tsina sa mga barko ng Philippine Coast Guard malapit sa Ayungin Shoal, na bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Ayon sa Department of National Defense, binigyang diin sa pulong ang pagpapaigting ng defense relations ng dalawang bansa sa pamamagitan ng implementasyon ng umiiral na bilateral mechanisms, at dialogue platforms, kabilang ang Philippines-China Annual Defense and Security Talks. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author