dzme1530.ph

Justice Secretary Remulla, sumalang sa heart bypass surgery

Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla sa ginanap na press conference na dumaan siya sa ilang medical procedure matapos ang sampung araw na wellness leave.

Ayon kay Remulla, ang kanyang pagsalang sa heart bypass surgery ay dahil sa nakitang baradong ugat sa kaniyang puso na kung hindi isailalim sa bypass procedure ay posibleng mauwi sa heart attack o stroke.

Bagama’t naging matagumpay ang operasyon, kinakailangan pa rin ani Remulla na sumailalim sa physical therapy para tuluyang makarekober.

Inaasahan naman na sa darating na Lunes ay babalik na sa trabaho si Remulla kung saan kaniyang pupulungjn ang lahat ng undersecretary at assistant secretary matapos ang flag raising ceremony.

Aminado ang kalihim na kahit gusto na niyang bumalik sa trabaho, hindi naman siya maaaring araw-araw makapunta sa ahensya. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author