dzme1530.ph

Ai Ai de Las Alas, nagpa-botox dahil sa myokomia

Matapang na inamin ng comedy concert queen na si Ai Ai de Las Alas na mayroon siyang myokomia o eye twitching.

Kwento ni Ai Ai, dati ay mata lang niya ang nagtu-twitch ngunit lumala daw ito at nadamay na rin pati talukap ng kanyang mga mata.

Malaking dahilan daw nito ay ang sobrang stress at pagod.

Madalas din daw kasi ang jetlag niya dahil sa pabalik-balik niya na biyahe pa-Amerika.

Maayos naman na daw ang kalagayan ni Ai Ai sa ngayon at mukha ng normal ang pagkurap ng kanyang mga mata dahil sumailalim siya sa botox treatment para mabanat ang balat niya sa mukha at mabawasan na rin ang twitching.

Sa ngayon ay abala ang comedy queen sa magpo-promote ng kanyang pelikulang ‘litrato’ kung saan siya gumanap bilang isang lola na may alzheimer’s disease. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author