dzme1530.ph

Broadcaster at journalist na si Mario Dumaual, pumanaw na sa edad 64

Pumanaw na ang kilalang showbiz brodkaster at journalist na si Mario Dumaual sa edad na 64, kahapon.

Kinumpirma ito ng pamilya ni Mario sa pamamagitan ng official statement na inilabas sa kanilang Facebook account.

Isang buwan ding naratay sa Philippine Heart Center si Mario matapos siyang atakihin sa puso, hanggang sa tuluyan nang bawian ng buhay dahil umano sa septic shock.

Si Mario ay isang kilalang award winning showbiz reporter ng ABS CBN at nagawaran ng bituin sa Eastwood City Walk of Fame noong January 2023.

Nagpahatid naman ng kanilang pakikiramay ang mga kaibigan ni Mario sa industriya gaya nina: ABS CBN Boss Ging Reyes; Anthony Taberna; Kim Atienza; Julius Babao; Christine Babao; MJ Marfori; at Kat de Castro. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author