dzme1530.ph

Karapatang pantao, pangunahing prayoridad sa lahat ng operasyon at aktibidad ng PNP

Muling nagpaaalala si Philippine National Police Chief P/Gen Benjamin Acorda Jr. sa pambansang pulisya na top priority ang pagrespesto sa karapatang pantao.

Sa kanyang pagharap sa 16th founding Anniversary ng PNP Human Rights Affairs Office (HRAO) sa Camp Crame, sinabi nito na pangunahin sa tungkulin ng pulis ay protektahan ang karapatan ng bawat indibidwal sa isang kumunidad.

Aniya ang pagpapatupad ng batas at pagrespeto sa human rights ay hindi maaring paghiwalayin dahil nakasalig ang batas sa mamamayan at karapatan nito.

Sa huli, pinarangalan ni Acorda ang mga pulis na nagpakita ng sinserong paglilingkod at nagpakita ng kahalagahan ng pagpapatupad karapatang pantao. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author