dzme1530.ph

Isko Moreno, inaasahang mangungulelat ang ratings ng “Eat Bulaga” sa nangyaring “Battle of Noontime Shows”

Expected na ni Isko Moreno na mangungulelat ang ratings ng kinabibilangan niyang noontime show na “Eat Bulaga” sa naganap na “battle of noontime shows” noong nakaraang Sabado, July 1.

Ayon kay Isko, given the drama ang hype bago airing ng dalawang noontime show, ay inasahan na niya ang kalalabasan ng TV ratings.

Gayunman, ipinanawagan ni Isko lalo na sa kanilang mga taga-suporta na huwag pairalin ang galit para umangat at mang-apak ng ibang tao bagkus ay ituring na lamang ang noontime war bilang isang buffet kung saan maraming putaheng puwedeng pagpilian ang mga manunuod.

Nabatid na sa inilabas na overnight data ratings ng Nielsen Philippines Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM), nakakuha ang Eat Bulaga ng 2.6% ratings.

Malayo sa mga katapat nitong noontime shows na E.A.T ng TVJ sa TV5 na nakapagtala ng 8.4% at It’s Showtime ng GTV na mayroong 4% ratings. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author