dzme1530.ph

Sergio Veloso, napili bilang bagong coach ng Ateneo Women’s Volleyball Team

Ipinakilala na ng Ateneo de Manila University si Sergio Veloso bilang bagong coach ng kanilang Women’s Volleyball Team.

Si Veloso ang pumalit kay Oliver Almadro, na gumabay sa Blue Eagles tungo sa UAAP Season 81 Women’s Volleyball crown gayundin sa Final 4 sa Season 84, gayunpaman, bigo silang umabot ng semifinals sa Season 85, kung saan ang kanilang 4-10 record ay naging pang-anim na pwesto lamang.

Tiwala naman ang Ateneo na malaki ang maitutulong ng bagong coach sa kuponan para sa mga paparating na laban dahil sa mga karanasan at expertise nito sa technical skills analysis at strategic planning.

Sa ngayon, si Veloso ay head coach din ng Philippine Men’s National Volleyball Team. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author