dzme1530.ph

Pagpapatupad ng gun ban, nais busisiin ni Sen. Robin

Nais ni Senador Robin Padilla na busisiin sa Senado ang lohika ng pagpapatupad ng gun ban na saklaw ang mga gun owners na tumatalima sa lahat ng regulasyon para sa pagdadala ng armas.

Sinabi ni Padilla na tatanungin niya ang Commission on Election (COMELEC) kung bakit kailangang ang mga responsible gun owners ang apektado ng gun ban habang ang mga kriminal ay malayang nakakagamit nito.

Tinawag pa ng Senador na malaking kalokohan na ang mga legal holders ang magiging saklaw ng gun ban.

Kinumpirma ni Padilla na sa pagbabalik ng sesyon ay maghahain siya ng resolusyon para sa pagsisiyasat.

Sinimulan na anya niya ang kampanya para sa responsableng pag-aarmas sa pamamagitan ng paghikayat sa lahat na idaan sa ligal na paraan ang pagbili at pagkakaroon ng baril.

Kung ang pag-uusapan naman anya ang batas kaugnay sa baril ay wala na siyang nakikitang probisyon na dapat baguhin dito. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author