Tagumpay para sa Criminal Investigation ang Detection Group (CIDG) ang manhunt operation na isinagawa nila matapos magbunga ito ng pag-aresto sa 39 na wanted person.
Ayon kay CIDG Director, PMGen Romeo Caramat Jr., bahagi pa rin ito ng Oplan Pagtugis na programa ng CIDG, kung saan isang malawakang paghahanap sa mga wanted ng batas.
Kabilang din sa mga naaresto ang 2 most wanted sa region, apat na most wanted sa probinsya at 2 most wanted sa municipal level.
Kasalukuyan nang inaayos ang pagdodokumento sa mga naaresto habang nakapiit sa CIDG Custody. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News