dzme1530.ph

₱370K halaga na hinihinalang shabu nakuha sa isang a buy-bust operation sa Caloocan City

Himas rehas ngayon ang suspek dahil sa pagbebenta ng illegal na droga sa Barangay 28, Caloocan City.

Ayon kay PCol. Ruben Lacuesta, Chief of Police ng Caloocan City, matapos matimbrehan ang talamak na pagbebenta ng shabu sa naturang lugar ay agad nagsagawa ng isang buy bust operation ang mga otoridad.

Naaresto si Andrew Lacsamana, 39 anyos matapos maaktuhang nagbebenta sa isang asset ng pulisya, dito na agad na inaresto si Lacsamana at nakuha sa kanya ang 1 head sealed plastic sachet na nagkakahalaga ng P34,000.

Nakuha rin sa kanya ang isang bag ng hinihinalang shabu na nagkakahaga ng P340,000 pesos.

Kasong Illegal Selling of Dangerous Drugs at Possesion of Illegal Drugs ang kakaharapin ng suspek. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author