dzme1530.ph

P1.4-M halaga ng ng illegal na katol, nasabat ng CIDG

Arestado ang isang Chinese national matapos ang  pagbebenta ng illegal na katol sa Marilao Bulacan.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief PMGen Romeo Caramat Jr, kinilala ang Chinese national na si Shi Yun Chung alias “Shi Zhen Cong” 53 anyos.

Nadiskubre ang tone-toneladang katol ng magbenta ang Chinese national sa isang pulis na hindi nagpakilala kung kaya’t agad itinimbre ito sa CIDG Bulacan.

Napag-alaman na walang kaukulang papeles ang mga produktong katol, wala ring permit sa custom, gayundin hindi dumaan sa Food and Drug Administration (FDA).

2,050 boxes na may pangalang “Wawang” na katol na nagkakahala ng P1,435,000 ang nakumpiska ng mga otoridad.

Patong patong na kaso ang kahaharapin ng suspek. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author