dzme1530.ph

Pagpapabuti ng mga paliparan sa bansa, binigyang-diin ng DOT

Binigyang-diin ng Department of Tourism (DOT) ang kahalagahan ng pagpapabuti ng mga paliparan sa bansa upang magkaroon ng mas magandang travel experience ang mga turista.

Sinabi ito ni DOT Sec. Christina Frasco matapos ilunsad ang bagong slogan ng ahensya na “Love the Philippines” mula sa “It’s More Fun in the Philippines.”

Ayon kay Frasco, nakikipag-ugnayan na ang kagawaran sa Department of Transportation para magbigay ng mga mungkahi kung paano mapahuhusay ang interior ng paliparan at maging ang operasyon nito.

Sa ngayon, patuloy ang programa ng ahensya kaugnay sa pagbibigay ng Filipino brand of service excellence sa frontline tourism workers. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author