dzme1530.ph

Sweater ni Princess Diana, ibebenta sa auction

Planong ibenta sa auction ang sweater ni Lady Diana Spencer o mas kilala bilang si Princess Diana.

Ang naturang sweater ay isinuot ni Princess Diana sa isang polo match taong 1981, noong siya ay na-engaged kay King Charles, III.

Nakatakdang ibenta sa Sotheby’s Fashion sa New York ang sweater mula August 31 hanggang September 14 sa presyong naglalaro sa $50,000 hanggang $80,000 o P4,419,720.

First time din itong makikita ng publiko sa New York Fashion Week sa September 7. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author