dzme1530.ph

Kampo ni Cong. Teves, ipinagdarasal ang kalusugan ni Justice Sec. Remulla

Idinaan sa panalangin ng kampo ni Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo Teves Jr. ang mahabang buhay at mabuting kalusugan para kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kasalukuyang nasa 10-araw na wellness leave.

Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, ang legal counsel ni Teves, nabalitaan nilang nagkasakit ang Kalihim.

Paalala ni Topacio kay Remulla, “chillax lang” at trabaho lamang ito.

Ginawa ni Topacipo ang pahayag nang dumalo sa preliminary investigation sa kaso ng pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Nauna nang inanunsyo ng DOJ na dahil sa mga personal na rason ay sasailalim si Remulla sa wellness leave.

Ngunit wala anilang dapat na ipag-alala, dahil walang anumang seryoso sa kalagayan ni Remulla. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author