dzme1530.ph

D.A. nakikipag-ugnayan na sa mga kooperatiba; suplay ng murang bigas sa kadiwa stores, sinisikap na hindi maantala!

Sinisikap ng Dep’t of Agriculture na hindi maantala ang bentahan ng murang bigas sa Kadiwa Stores.

Ayon kay D.A Asec. Kristine Evangelista, layon ng pakikipag-usap ng kagawaran sa ilang kooperatiba sa Nueva Ecija, Tarlac at Cordillera, ang matiyak na tuloy-tuloy ang suplay ng murang bigas sa Kadiwa.

Pinaghahandaan din ng pamahalaan ang anumang epekto ng El Niño phenomenon pagdating sa suplay ng bigas, na inaasahang mamemerwisyo sa bansa simula sa Setyembre hanggang sa Disyembre.

Babantayan din ng D.A. ang pagtatanim ng palay ng mga magsasaka upang masigurong hindi makararanas ng kakapusan ng suplay ng bigas sa bansa.

About The Author