Ilang customers ng Maynilad Water Services Inc. ang makararanas ng 13 oras na service interruptions kada araw ngayong linggo, bunsod ng papalitang ultrafiltration (UF) membranes sa Putatan Water Treatment Plant.
Sa advisory, sinabi ng Maynilad na ang pagpapalit sa inisyal na tatlo mula sa 14 na UF membranes ay magdudulot ng daily water service interruptions simula ala-5:00 ng hapon hanggang ala-6:00 ng umaga, simula Miyerkules, June 28 hanggang August 8.
Sinabi ng water concessionaire na gagawin ang replacements nang “by batch” upang mabawasan ang impact sa kanilang customers.
Ang mga maaapektuhang lugar ay Las Piñas City, Bacoor City, at Imus City sa Cavite.
Magbibigay muli ang Maynilad ng update sa susunod na schedule ng water interruption kapag papalitan na ang natitirang 11 membranes. —sa panulat ni Lea Soriano