Siyamnapu’t limang porsyento nang handa ang COMELEC para sa isasagawang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October 30.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na magpi-print na lang sila ng mga balota para sa mga nagpa-rehistro simula December 12, 2022 hanggang January 31, 2023.
Ipinaliwanag ni Garcia na kaya naantala ang pag-iimprenta para sa naturang batch ay dahil sa 491,000 double o multiple registrants na natukoy ng Election Registration Board.
Una nang inihayag ng Poll Chief na sinimulan na nila ang paghahain ng kaso laban sa 7,000 indibidwal na may double o multiple registrations.
Idinagdag din ni Garcia na pagsapit ng unang linggo ng Agosto ay malinis at maayos na ang listahan ng mga botante sa buong bansa. —sa panulat ni Lea Soriano