dzme1530.ph

French warship, magsasagawa ng port call sa Maynila

Magsasagawa ang French Navy Destroyer Lorraine ng port call sa Maynila simula ngayong June 23 hanggang 29, ayon sa Embahada ng France.

Sa statement, sinabi ng Embassy na magkakaroon ang French Navy Destroyer ng iba’t ibang cooperation activities at high-level professional exchanges sa Filipino authorities sa kanilang stopover.

Ayon sa French embassy, ang mga naturang aktibidad ay pagpapakita ng interoperability at tiwala sa pagitan ng dalawang armed forces. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author