dzme1530.ph

Headquarters ng Paris Olympic organizers, ni-raid ng mga pulis

Sinalakay ng mga pulis ang headquarters ng Paris 2024 Olympics, mahigit isang taon bago ang opening ceremony ng quadrennial sporting event.

Nagsagawa umano ng raids sa headquarters ng committee na kilala sa tawag na COJO, sa mga tanggapan nito sa Solideo, na siyang in-charge sa Olympic construction sites.

Hindi pa malinaw ang dahilan kung bakit ikinasa ang raid, subalit tiniyak ng COJO ang kanilang buong kooperasyon upang mapabilis ang pag-iimbestiga.

Ang pagsalakay sa organizing committee headquarters ay isinagawa ng anti-corruption and financial crime investigators at ng BRDE, na financial brigade ng Parisian police. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author