Nanatiling nakaalerto ang hanay ng Philippine Army (PA) sa mga posibleng aktibidad ng makakaliwang grupo sa lalawigan ng Ilocos Norte at ibang probinsya.
Ayon kay Captain Norman Sorila ng 102nd Infantry Batallion ng PA, base sa report ay humihina na ang guerilla front ng makakaliwang grupo ngunit nananatili silang naka-alerto sa posibleng gawin ng mga ito.
Kasunod nito, nanawagan si Captain Sorila sa publiko na kung may mga taong hindi kilala na nagbibigay ng ayuda, ay mas mabuting ipaalam sa mga otoridad.
Naniniwala ang Philippine Army na sa pagtutulungan ng mamamayan ay tiyak na mabubuwag ang mga rebeldeng nakikibaka. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News