Sang-ayon si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na mabigyan ng temporary shelter ang Afghan refugees sa Pilipinas.
Ayon kay Enrile, nakadepende sa gobyerno ang desisyon kaunay rito pero, wala aniya siyang nakikitang problema sa pansamantalang pagkupkop ng Pilipinas.
Sinabi pa ng Chief Presidential Legal Counsel na handang magbigay ng relief goods ang United Nations para sa mga Afghan.
Matatandaang inihayag ng Malacañang na ang hiling ng US government na pansamantalang pagpapatuloy sa mga refugee mula sa Afghanistan ay nananatiling under evaluation. —sa panulat ni Airiam Sancho