dzme1530.ph

Dr. Ted Herbosa, pormal nang nanungkulan bilang Health Secretary

Pormal nang naupo sa kanyang puwesto si Health Secretary Ted Herbosa, ngayong Lunes.

Ang turnover ceremony ay isinabay sa 125th anniversary ng Department of Health (DOH).

Sa kanyang talumpati, nangako si Herbosa na magiging “humanistic” DOH Secretary.

Inilatag din niya ang walong priority programs na sesentro sa public health, non-communicable diseases, emergency preparedness at pandemic-proofing system.

Samantala, pinasalamatan naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang mga opisyal at mga tauhan ng ahensya na sumuporta sa kanya nang manungkulan siya bilang caretaker ng DOH, kasabay ng pangakong susuportahan niya ang liderato ni Herbosa. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author