![]()
Nasa 9.8 million Filipino families o katumbas ng 37% ang ikinukunsidera ang sarili nila bilang mahirap.
Ito ay batay sa 3rd quarter survey ng OCTA Research.
Itinuturing itong statistically unchanged mula sa 39% o tinatayang 10.3 million families noong second quarter ng taon.
Nasa 49% naman ng respondent ang hindi masabi kung sila ay mahirap o hindi at 21% ang nagsabing hindi sila mahirap.
Lumitaw din sa tugon ng masa non-commissioned survey na 56% ng respondents sa Mindanao ang ikinukunsidera ang sarili nilang bilang mahirap.
Sinundan ito ng 49% sa Visayas, 26% sa Balance Luzon, habang 20% sa National Capital Region.
