dzme1530.ph

7 Tsino na nahuli ng PCG, nasa kustodiya na ng Bureau of Immigration

Nasa ilalim na ng kustodiya ng Bureau of Immigration (BI) ang pitong Chinese nationals na nahuli ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Laws.

Ang mga dayuhan na may edad 30 hanggang 45 ay lulan ng nasabat na M/V Sangko Uno sa Navotas City Port noong Setyembre 15.

Itinurnover ang mga Tsino sa BI para sa deportation proceedings at inilipat sa pasilidad sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan sa Taguig City.

Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr., iligal ang pananatili ng mga banyaga sa bansa dahil wala silang naiprisintang mga kaukulang dokumento.

Kinundena rin ng ahensya ang pagbalewala ng mga  dayuhan sa Immigration laws ng bansa, kasabay ng pagtiyak ng mas agresibong mga hakbang upang masugpo ang illegal alien activities. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author