dzme1530.ph

60 BILLION PESOS NA PONDO, IBINALIK SA PHILHEALTH

Loading

Ibinalik sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang 60 billion pesos na pondo mula sa National Treasury.

Inihayag ng PhilHealth na ang hakbang ay malinaw na pahiwatig na kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magagampanan ng ahensya ang mandato na maging katuwang ng mga Pilipino sa kanilang pangangailangang pangkalusugan.

December 2025 nang atasan ng Supreme Court ang pamahalaan na ibalik sa state insurer ang pondo na inilipat sa National Treasury, sa pamamagitan ng 2026 General Appropriations Act (GAA).

About The Author