dzme1530.ph

PAGSASAULI NG P60B PONDO SA PHILHEALTH, MAHALAGANG AKSYON SA SOCIAL JUSTICE

Loading

IGINIIT ni Senador JV Ejercito, principal author at sponsor ng Universal Health Care Act na mahalagang hakbang tungo sa pagkamit ng social justice ang pagsasauli ng P60 bilyong pondo sa PhilHealth.
 
Sinabi ng senador na ang pondong inilaan para sa serbisyong pangkalusugan ay dapat manatili at magamit lamang para sa healthcare services.
 
Idinagdag ni Ejercito na ang pagbabalik ng pondo sa PhilHealth ay hindi lamang isang “welcomed development” kundi isa ring paalala sa publiko na manatiling mapagbantay at sa PhilHealth na maging mas proactive sa paggamit ng kanilang pondo.
 
Binigyang-diin din niya na ang sobrang pondo ng PhilHealth ay dapat gamitin sa pagpapabuti ng healthcare packages at pagpapalawak ng serbisyo para sa mga miyembro nito.
 
Ito anya ay pagkakataon upang mapalawak pa ang coverage ng PhilHealth, mapababa ang out-of-pocket expenses ng mga pasyente, at mapataas ang bahagi ng PhilHealth sa pagbabayad ng hospital bills.
 
Dapat anyang maramdaman ng mga Pilipino ang tunay na tulong ng gobyerno tuwing sila ay naoospital o nangangailangan ng serbisyong medikal.
 
Iginiit din niyang hindi dapat basta ituring na “surplus” ang pondo ng PhilHealth dahil ito ay para sa kalusugan at kapakanan ng bawat Pilipino.

About The Author